PPMDAI nanawagan sa BOC ukol sa smuggled na paputok

NANAWAGAN ang samahan ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc. sa Bureau of Customs na paigtingin pa ang kampanya ng ahensya laban sa mga smuggled na paputok na naglipana umano sa lansangan ngayong Kapaskuhan.

Anang grupo, ang smuggled na paputok ang lumulumpo sa lokal na industriya ng paputok at kabuhayan ng mga manggagawa nito tuwing Kapaskuhan.

Ayon kay Celso Cruz, president emeritus ng PPMDAI, ang mga paputok na ipinuslit sa bansa ay hindi ligtas at walang pananagutan ang mga gumawa nito dahil galing sa ibang bansa at iligal na pumasok sa merkado.

Hindi katulad ng mga paputok na yaring Bulacan ay siguradong may mga mananagot kung ang mga ito ay sub standard.

Sinuportahan naman ng gobernador ng Bulacan ang panawagan ng PPMDAI, at nagsabing hindi umano kayang makipagsabayan sa presyo ang mga ligal na paputok sa presyo ng mga smuggled na paputok. Mas mura ang mga ito dahil hindi nagbayad ng buwis.

Dagdag pa ni Alvarado, hindi nakatitiyak kung ligtas gamitin ang mga smuggled na paputok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply