PRC: Mag-donate ng dugo ngayong holiday season

UMAPELA ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga Filipino na magdonate ng kanilang dugo na maaaring magamit sa oras ng emergency ngayong holidays.

Hinihimok ni PRC secretary-general Gwendolyn Pang ang 77 PRC lood center at facilities nationwide na patuloy na manghikayat o mag-recruit ng volunteer blood donors.

Sa kanilang website, sinabi rin ni Pang na lahat ng blood types ay available sa anumang oras na kailanganin.

“Any healthy individual can give blood, male or female between 18 and 65 years old. You may visit PRC National Blood Center on Bonifacio Drive Port Area Manila or any regional blood centers or facilities nearest you,” ayon sa PRC.

Base naman kay dating PRC Chairman at dating Senator Richard Gordon, na kakaunti lamang umano ang nagbibigay at nagdo-donate ng dugo tuwing holiday season.

Bagama’t nakatutok umano ang atensyon ng buong mundo sa epekto ng bagyong Sendong ay mayroon pa rin aniyang iba pang mahahalagang pangangailangan na dapat bigyan pansin.

“The most precious gift you can give to your fellowmen is a part of yourself. Give blood on Christmas,” wika ni Gordon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply