Preso niratrat ng armalite ng police escort

DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang preso matapos barilin ng armalite ng isa niyang police escort nang tangkain niyang barilin ang isa pang escort at maagaw ang baril ng pulis, sa report ng pulisya kanina sa Davao.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. base sa naantalang ulat na isinumite sa Camp Crame ay kinilala ang preso na si Richard Pascual, alyas “Kulafu Ader” 23, isa umanong dating kasapi ng CNN-New Peoples Army.

Nabatid na bandang 2:30 ng hapon habang inihahatid si Pascual ng mga tauhan ng Boston Municipal Police Station, Davao Oriental PPO, sakay ng police mobile patrol nang naganap ang insidente sa may Sitio Gangas, San Antonio, Cateel, Davao Oriental.

Lumalabas sa pagsisiyasat na kahit na nakaposas ay naagaw ng detainee, ang issued firearm ni PO1 Noel de Jesus at tangkang iputok sa nasabing pulis.

Sa nakitang pangyayari, hindi nagdalawang-isip na pinaputukan ni PO1 Joel Maduyag, isa sa mga police escort ang suspek gamit ang kanyang bitbit na M16 armalite rifle.

Agad na isinugod sa hospital ang suspek subalit idineklarang patay na.

Si Pascual ay sinasabing collector ng kilusan at isang hard-core criminal gun for hire at kasapi rin ng robbery hold up gang na “Bandido.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply