Presyo ng bigas ‘di itataas ng NFA

HINDI itataas ng National Food Authority ang presyo ng bigas hanggang sa matapos ang taon.

Ayon kay NFA Administrator Angelito T. Banayo, ito ang napagkasunduan sa katatapos na komperensiya ang Year-End Food and Agri Business Conference na pinamagatang “The Business of Food & Agriculture: Where is it Headed?” na inilunsad sa PLDT Hall sa University of Asia and the Pacific (UA&P).

Ani Administrator Banayo, hindi naman dapat magtaas ng presyo ng bigas ang NFA dahil makadaragdag lamang aniya ito sa problema ng masa na nasa class D at E communities na sila lamang ang may kayang makabili ng NFA rice dahil sa mababang halaga  nito.

Alinsunod aniya sa NFA Road Map, bilang bahagi ng Agriculture Department sa kanilang Food Staple Self-Sufficiency Program layunin nito na walang importasyon ng bigas sa 2013, pero inirerekomenda naman dito na dapat itaas ang halaga ng retail price ng bigas bawat taon para makatugon sa reyalidad ng merkado.

Dahil dito hinihingi pa rin ni Banayo ang payo ni Pangulong Benigno Aquino III ukol sa kanyang hirit na taasan ang presyo ng NFA rice pero nagdesisyon pa rin aniya ang Pangulo na huwag muna itong itaas.

Ayon pa kay Banayo may sapat aniyang supply ng bigas ang NFA ngayong holidays pero hindi nararapat aniya na itaas ito sa ngayon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply