Presyo ng bottled water sa CDO nagdoble ang presyo

HINDI nasunod ang ipinatutupad na prize freeze sa mga bilihin sa Cagayan de Oro City matapos isailalim sa state of calamity.

Higit na tumaas doon ang presyo ng bottled water.

Ang 5-liters na dati’y mabibili nang wala pang P50 ay nasa P80 na ang presyo.

Ang 6-liters naman ay nasa P90, habang ang maliit na 500 ml ay nasa P15.

Gayunman, hindi tumaas ang halaga ng tubig sa mga refilling stations, pero pila-pila ang mga bumibili.

Dumating na roon ang water filtration equipment ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kayang maglinis ng maburak na tubig na maaari agad inumin.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, kayang mag-convert ng 3,000 liters per hour ang kanilang equipment pero idiniretso muna sa Iligan City kung saan mas matindi ang pangangailangan.

Samantala, pagdating sa bentahan sa mga palengke ng lungsod, nasa P125 na ang kilo ng dressed chicken na dati’y nasa P120.

Pati isda tulad ng hasa-hasa, matambaka at bangus ay tumaas na rin ang presyo kahit matumal pa ang bentahan.

Tumaas din ang presyo ng maraming klase ng gulay tulad ng patatas na bago bumagyo ay nasa P30 lang, ngayon ay P50 na.

Ang repolyo, naging P40 mula sa dating P30 ang kilo, habang ang carrots naman ay P10 kada kilo ang itinaas.

Umikot ang kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) sa palengke ng Barangay Carmen, pero sa nakalap nilang datos, wala namang pagbabago sa presyo ng bilihin mula nang sinalanta ng baha ang lungsod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply