Presyo ng gasolina tataas sa darating na linggo

MULI na naman nagparamdam ang mga dambuhang kompanya ng langis sa napipintong pagtaas ng produktong petrolyo sa pagpasok ng linggong ito.

Base sa report, tinatayang maglalaro ang pagtaas nito sa P0.55 hanggang P0.65 kada litro ng produktong petrolyo.

Samantala, wala namang P0.05 ang katumbas na taas sa imported diesel kaya maaaring walang pagtaas sa presyo nito sa susunod na linggo.

Batay sa impormasyon, ang napipintong pag-taas ng petrolyo ay batay sa pagtaas ng presyo sa international market.

Samantala ikinakasa na rin ng samahang Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide ang kanilang kilos-protesta sakaling pormal na i-anusyo ng mga oil companies ang price hike. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply