Presyo ng gulay hindi tataas

TINIYAK ngayon ng pamunuan ng Department of Agriculture na walang dahilan para tumaas ang presyo ng gulay.

Ang price freeze sa produktong uglay ay kaugnay sa naranasang kalamidad sa Mindanao.

Ayon kay Department of Agriculture Sec. Salvador Salacup, binanggit nito na iikot sila sa mga pamilihang bayan sa Metro Manila ngayong araw upang inspeksyunin at alamin kung sinong mga tindera ang nananamantala.

Samantala, binanggit din ni Salacup na mamahagi rin sila ng mga seedlings sa mga magsasakang naapektuhan ng flashflood sa Northern Mindanao.

Nilinaw rin ni Salacup na maari itong ipamigay ng libre kung 100% ang naging pinsala sa agrikultura.

Sa kabila nito ay may ilang negosyante na nagsasamntala sa presyo ng gulay lalo na sa mga inilalahok sa ensalada na inihahain sa Noche Buena.

Iginiit ng mga tindero na mataas ang pagkakaangkat nila ng gulay kaya itinaas din nila ang presyo ng mga ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply