Presyo ng loaf bread tataas ngayong Kapaskuhan

NAGBIGAY na ng abiso ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko  sa nakaambang pagtaas ng branded loaf bread ngayong Kapaskuhan.

Paliwanag ng Philippine Baking Industry Group (PhilBaking), tumaas umano  ang presyo ng ilang sangkap sa paggawa ng tinapay, gayundin ng kuryente at liquefied petroleum gas (LPG) na pangunahing ginagamit sa paggawa ng produktong tinapay.

Tiniyak naman ng mga panadero na hindi magmamahal ang presyo ng Pinoy pandesal at Pinoy tasty na pinakamurang tinapay ng Pinoy. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply