Presyo ng Pinoy Tasty walang pagbabago

DAHIL sa pagsunod na suggested retail price (SRP) ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Noche Buena items walang naging pagbabago sa presyo ng Pinoy tasty ngayong Holiday season.

Ayon kay DTI Usec. Zeny Maglaya, tumatalima  ang mga supermarkets sa umiiral na SRP pero binanggit nito na may ilang pagtaas ng konti sa presyo sa ilang mga palengke.

Samantala, binanggit din ni Maglaya na nananatiling nakapako sa P38 ang presyo ng Pinoy tasty at tiniyak nito marami pa ang supply nito.
Kumpiyansa rin si Maglaya na hindi tataas ang presyo ng mga Pinoy Tasty bread ngayong panahon ng Kapaskuhan hanggang matapos ang taon.

Tiniyak din ni Philippine Federation of Bakers Association, Inc. (PFBAI) na sa harap ng pagtaas ng P1.50 sa ilang kilalang brand ng loaf bread, patuloy nilang ibebenta sa P38 ang Pinoy Tasty bread dahil ito ay subsidized ng grupo ng mga baker bilang handog sa mga Pilipino.

Kinumpirma naman ni Chavez na gumalaw ang presyo ng loaf bread dahil tumaas ang presyo ng harina at asukal.

Binanggit naman ni Chavez na isinusulong pa rin nila ang paghahalo ng kamote sa paggawa ng tinapay upang makatipid sa paglalabas ng dolyar para bumili ng harina kaya nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Science and Technology (DOST) para sa technology enhancement na kakailanganin ng mga panadero. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply