Presyo ng prutas na bilog tumataas na

NAGSIMULA na ngayong araw ang pagtaas ng presyo ng mga prutas na bilog na kadalasang isinasama sa handaan tuwing Bagong Taon.

Batay sa ulat, may ilan ng pamilihan na bahagayang nagtaas ng presyo ng kanilang panindang prutas na bilog.

Kabilang sa mga tumaas na ang presyo ay ang ubas at kiat-kiat (maliliit na oranges).

Sa Nepa Q Mart sa Quezon City, mabibili na ang ubas sa P150 na dating P100.00 kada kilo. Ang isang kilo ng kiat-kiat ay tumaas ng P10.00 na dating P50 ay mabibili na sa P60.

Gayunman, nananatili ang presyo ng mansanas at ponkan sa ilang tindahan ng prutas sa Trabaho Market sa Sampaloc, Maynila na nasa P10-25 kada piraso, depende sa laki.

Base sa ilang tindera, asahan na mas tataas pa ang presyo ng mga prutas habang papalapit ang araw ng pagsalubong sa Bagong Taon. Pinapayuhan ang mga mamimili na maagang bumili.

Nakaugalian na ng mga Pinoy na magsama ng mga bilog na prutas tuwing Bagong Taon sa paniniwalaang magdudulot ito ng swerte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply