Price hike ipinatupad sa ham ngayong Kapaskuhan

HABANG papalapit ang araw ng Pasko ay dumoble na ang presyo ng mga specialty ham kumpara sa mga hamon na binebenta sa mga grocery at supermarket.

Ayon sa mga manufacturer, ito ay dahil mas matagal at mabusisi ang curing process ng mga specialty ham at hindi nagtitipid sa sangkap.

Ngayong taon, limang porsyento o umaabot ng P30 ang itinaas ng mga specialty ham kung ihahambing noong nakaraang taon.

Tiniyak naman ng mga manufacturer na sapat ang supply ng hamon para sa Pasko.

Pinayuhan nila ang publiko na ngayon pa lang ay bumili na ng hamon para hindi na makipagsiksikan habang papalapit na ang Kapaskuhan.

Tatagal naman daw hanggang isang buwan ang hamon kapag inilagay sa freezer.

Pinakapopular na special ham ang bone-in-leg Chinese ham na may glaze.

Patok din ang mga scrap at mixed sausage ham dahil mas mura pero de-kalidad pa rin ang lasa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply