Proteksyon sa mga bata sa panahon ng kalamidad, palalakasin

MARIING isinusulong ni Senador Loren Legarda, chairperson ng Senate committee on climate change, na dapat palakasin ang proteksyon sa mga bata laban sa mga kalamidad kasunod ng nangyaring flashflood sa Northern Mindanao.

Ayon kay Legarda karamihan sa mga naapektuhan ng kalamidad ay mga bata ang itinuturing na pinaka-delikado sa climate change tulad ng paghagupit ng bagyong “Sendong.”

Sa talaan ng United Nations Children’s Fund (Unicef), sa 43,000 na bata na naapektuhan ni “Sendong,” 14,000 ang naninirahan ngayon sa evacuation centers  samantalang marami pa rin ang nawawala at marami ang namatay.

Ipinunto pa ni Legarda na sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad, matindi ang nararanasan ng mga bata dahil mas mahina pa ang kakayahan ng mga ito sa mga natural hazards.  Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply