Proyekto ng DPWH sa 2012 kasado na

NAKAHANDA na ang pagsisimula ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa papasok na taon.

Ito ay nagkakahalaga ng P125.5 bilyon na kung saan ang mga procurement activity ay nagawa na nito pang huling bahagi ng 2011.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson, na dahil ilalabas Department of Budget and Management (DBM) ang pondo sa Enero, ay masisimulan na ang mga proyekto sa unang tatlong buwan ng taon, kung kailan maganda pa ang panahon.

Inihayag ni Singson, na nabigyan sila ng kabuuang P125.5 bilyon sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA), na kung saan ay may pagtaas ng 13.5% mula sa 2011 budget ng ahensya na P110.6 bilyon.

Ani Singson, pagtutuunan ng pansin ng ahensya ang pagsasaayos ng national roads sa buong bansa.

Sa kabuuang budget ng DPWH sa 2012, mapupunta ang P29.7 bilyon  nito sa rehabilitasyon ng mga national road at mga tulay. Ilalaan naman ang P15.9 bilyon para sa pagsasaayos at pagsesemento ng 809 kilometrong national roads habang ang P38.5 bilyon ay sa pagpapagawa ng 6,229 kilometrong bagong mga kalsada at 15,292 linear meters ng mga bagong tulay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply