PSMBFI makupad magproseso ng termination

NAG-AANGALAN ang mga miyembro ng Public Safety Mutual Benefit Fund Inc. (PSMBFI) kaugnay sa pag-file nila ng termination of membership dahil napakatagal ang pagpo-proseso nito.

Halos pumuti na raw  ang mga buhok ng mga miyembrong nag-file ng nasabing termination ay wala pa rin daw resulta.

Kaya bumabagal ang pagpoproseso ng termination of membership ay dahil sa dumaraan pa raw ito sa Moral and  Welfare Division ng Camp Crame.

Ang dibisyon daw na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nape-pending ang mga isina-submit na mga Termination of Membership ng mga kasapi.

Hindi ko sinasabi na may mga nilulutong ‘katiwaliang’ nangyayari sa pag-uusap ng PSMBFI at MWD sa Crame. Pero kung totoo man na may nilulutong ‘katiwalian’ ay magkano nga kaya ang naging usapan ng PSMBFI at MWD? He..he..he.

Mantakin ninyo, kung tutuusin ay napakadaling mai-proseso ang nasabing termination pero bakit inaabot ng siyam-siyam ang isinubmit ng mga miyembro sa  kanilang termination.

Ano kaya ang dahilan nito kung walang ‘katiwalian’ sa pagpoproseso ng nasabing papel?

Uhmmppp..sige sumagot kayo! Anooooooo???

VK NI KAPITANA PADER PA RIN SA PNP

Wala pa ring tigil ang pag-ooperate ng mga video-karera ni Barangay Kapitana Bebot dela Cruz ng Dagupan City.

Matibay talaga ang ‘kapit’ ni Kapitana Bebot kay Dagupan City chief of police Supt. Romeo Caramat kaya hindi ito magalaw-galaw.

Bukod daw kay hepe ay nakatimbre rin si kapitana kay Pangasinan PD Gen. Rosueto Ricaforte.

Kahit sinong maging police director sa nasabing lalawigan ay hindi nagagalaw ang  mga VK ni kapitana.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 0918-9274764,09266719269 o i-email sa  juandesabog @ yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply