Public viewing kay Tyron Perez nakatakda ngayong tanghali

NAKATAKDANG magsimula ang public viewing sa labi ng actor na si Tyron Perez ngayong tanghali, Disyembre 30 sa Loyola Park, Sucat, Paranaque City.

Ayon sa misis ng 26-anyos na aktor, malungkot nilang sasalubungin ang Bagong Taon matapos matagpuang patay ang Star Struck actor sa loob ng kaniyang sasakyan sa Valenzuela City kagabi.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Valenzuela PNP na isang tama ng bala ng kalibre 22 na baril sa kaniyang kanang sentido ang kumitil sa buhay ni Perez, pero may ilan namang nagsasabi na posibleng ito ay nag-suicide.

Lumabas pa si Tyron sa mga TV drama series at gumanap kamakailan na love interest ni Ejay Falcon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply