Publiko kasama na sa pagtugis kay Palparan

NAGPASAKLOLO na ang Malakanyang sa publiko sa paghahanap sa puganteng si Retired Major General Jovito Palparan.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda na dapat makiisa ang publiko sa ginagawang pagtugis sa puganteng si Palparan.

“And if they have any valid sighting of General Palparan, please inform the authorities, the NBI and the PNP. Ang pakiusap lang namin ay huwag naman pong gawin playtime po at magre-report ng mga bogus sightings of UFO ay ni Palparan pala,” ani Sec. Lacierda.

Nagbabala rin ang kalihim sa mga taong posibleng nagkakanlong sa pugante na mahaharap sa mabigat na kaparusahan.

Aniya, malinaw ang batas na kapag ang isang taon ay nagtago ng isang pugante ay agad na maikukunsiderang kasabwat sa krimen.

Kumpiyansa naman ang Malakanyang na mahahanap din ng pinagsanib na puwersa ng NBI at PNP si Palparan.

Sa ngayon ay tiwala silang kusang susuko si Palparan sa mga awtoridad.

Naniniwala ang Malakanyang na dito lang sa Pilipinas nagtatago si Palparan lalo pa’t nakamonitor ang lahat ng exit points sa bansa. Bukod pa sa may hold departure order laban sa kanya.

Ipinauubaya naman ng Malakanyang kay AFP Chief of Staff  Lieutenant General Jessie D. Dellosa ang pagsiyasat kung may symptahizers si General Palparan sa militar lalo pa’t ang mga ito ay supporters ng anti-communist efforts.

Ang katuwiran ni Sec. Lacierda ay may outstanding warrant of arrest laban kay Palparan kaya’t malabong magpalabas ng katusan ang Pangulong Aquino ng shoot to kill order sa paghahanap sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply