Publiko pinayuhan para makaiwas sa pagkalason

PINAYUHAN ng pamunuan Department of Health (DOH) ang publiko na maging mapagmasid o mapanuri sa mga kinakain par makaiwas sa food poisoning ngayong holiday season.

Ayon kay Dr. James Guzman, city health officer ng Tuguegarao, suriin ang expiry date ng ingredients ng mga inihahandang pagkain, magluto lamang ng sakto na kayang ubusin at kung may natira ay ilagay sa refrigerator para hindi mapanis.

Kailangang din aniyang maging malinis sa paghahanda ng pagkain para makaiwas sa pagkalason.

Sakaling mabiktima ng food poisoning gaya ng mga palatandaang pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae ay agad magpatingin sa doktor lalo na sa mga bata para hindi ma-dehydrate.

Matatandaang 26 na mag-aaral sa bayan ng Lal-Lo, Cagayan ang nalason kasunod ng pagkain sa inihang spaghetti sa kanilang Christmas party. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply