Puganteng Kano itinaboy ng Pinas

PINALABAS ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Amerikano na matagal nang wanted sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Nabatid na isinama na rin sa sa blacklist ng ahensya si Paul John Sambuto, 35, dahil sa pagiging undesirable, overstaying at undocumented alien.

Unang napaulat na naaresto si Sambuto noong Nobyembre 17 sa tinutuluyan nitong Condominium sa Makati City.

Taong 2007 pa pinaghahanap ng Federal Bureau of Immigration (FBI) ng Estados Unidos si Sambuto dahil sa mga nakabinbing kaso sa Arizona at Florida.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply