PUJ sumalpok sa puno; 1 patay, 9 sugatan

ISANG pampasaherong jeep ang bumangga sa isang punongkahoy na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng siyam sa Barangay Buyuan, Tigbuan, Iloilo.

Ang pasaherong namatay ay kinilalang si Reymundo Paida, residente ng bayan ng Guimbal, Iloilo habang kabilang sa mga nasugatan ang drayber nito na si Roland Celestial at ang konduktor niyang si Rey Elumba.

Base sa impormasyon nakuha sa Tigbuan Municipal Police Station, galing Igbaras ang naturang jeep at papuntang Iloilo City nang magtangka itong mag-overtake sa sinusundang sasakyan. Nawalan ng kontrol ang drayber nito at tuluyang bumangga sa punongkahoy sa gilid ng kalsada.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply