Pulis nagwala sa bar, arestado

ARESTADO ang isang pulis matapos itong magwala at manakit sa loob ng isang resto bar sa lungsod ng Butuan City.

Ang suspek ay nakilalang si SPO3 Luth Baclayon, 43, kasalukuyang investigating officer ng Scalawag PNP sa Regional Office 13.

Inireklamo siya ng isang waiter na kinilalang si Filmar Duan, 24, residente ng Purok 5, Lapu-Lapu sa naturang lungsod, dahil sa pananakit sa kanya.

Base sa salaysay ni Duan, hinihingan umano niya ng bayad ang nasabing pulis subalit hindi ito nagbayad dahil hindi pa siya nakakainom.

Sa kalaunan ay nagbayad din ang pulis at ibinigay pa ang sukli sa waiter.

Subalit biglang bumalik ang pulis at hinampas siya ng dalang helmet dahil sa hindi nito pagbibigay umano ng sukli. Hindi pa ito nakuntento at binanatan siya ng dala-dala nitong key chain.

Sa ngayon, hawak na ng Butuan City PNP si Baclayon at pinasu-surrender sa kanya ang kanyang service firearm.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply