Pulis namaril, 1 patay, 2 patawirin

PATAY ng isang lalaking nakikipag-christmas party matapos barilin ito ng naka-enkwentrong pulis sa lungsod ng Maynila.

Ang biktimang nakilalang si Roberto Solis. Nabaril umano ito ni Police Officer 1 Lloyd Fernandez bandang alas-11:00 ng gabi sa Loreto St., sa Sampaloc, Maynila.

Base sa salaysay ng mga nakasaksi, binangga umano ng pulis na lulan ng motorsiklo ang biktima habang nagkakasiyahan sa harap ng bahay ng huli. Nagkainitan ang dalawa at humantong ito sa pagkakabaril at pagkakapatay kay Solis.

Mabilis umanong tumakas si Fernandez subalit nasangkot na naman uli ito sa gulo dahil sa pagpupumilit na pumasok sa makitid na daan sa may Tuazon St. kung saan ay nabaril din niya sina Richard Zapanta at Jay Valenzuela. Ang dalawa ay nasa kritikal na kondisyon sa isang pagamutan sa Maynila.

Samantala, sumuko na si Fernandez sa homicide section ng Manila Police District.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply