Puntod ng mag-asawang Aquino sinalaula

HINIGPITAN na ang seguridad sa puntod ng mag-asawang dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino matapos salaulain ng hindi pa kilalang suspek noong araw ng Pasko sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Mismong si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang nakapansin sa mga malalalim na gasgas sa nitso ng kanyang mga magulang nang dumalaw sa puntod pasado ala-1 ng hapon noong Pasko.

Paglisan ng Pangulo at iba pang bisita, muling natuklasan ng security guard na si Ronnie Mariano ang ginawang pagbubuhos ng maitim na langis sa puntod ng mag-asawa alas-6:20 ng gabi nang hindi pa nakikilalang suspek, pati na ang mga ipinaskel na mga hindi maintindihang kataga na isinulat sa bond paper.

Ayon kay Parañaque police chief Sr. Supt, Billy Beltran, posibleng napag-tripan ang puntod ng mga magulang ni Pangulong Aquino dahil hindi maintindihan ang mga kataga na isinulat sa papel at ipinaskel sa dalawang nitso gamit ang adhesive tape matapos buhusan ng maitim na langis.

Kinalap naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pangunguna ni Insp. James Baquiran ng Southern Police District (SPD) Crime Laboratory ang mga nakapaskel na kataga bilang hakbang sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply