Puro ‘tongpats’ ng PS1 ang inaatupag ni kernel

ILANG metro lang ang layo at katabi ng St. Joseph Church ang Gagalangin Block (istasyon ng pulis) sa Juan Luna St., Gagalangin Tondo, Manila kaya imposible na hindi kaagad na makapagresponde ang mga nakatalagang pulis ni PS1 Supt. Rolando Tumalas, este, Tumalad kung may mga kaguluhan sa lugar.

Yan ay kung may pulis sa Gagalangin Block.

Kung magagawi kasi kayo sa St. Joseph Church ay makikita ninyo kung gaano karami ang mga tao sa lugar na yan kaya imposible na hindi mahuhuli ng mga pulis ang mga kriminal o salarin.

Kaya kahit sino ang gumawa ng katarantaduhan sa lugar ay siyento por siyento na madarakip kaagad ito ng mga pulis (kung talagang may nakatalagang mga pulis sa nasabing istasyon).

Ang siste, noong last Dec. 24, 2011 (huling simbang gabi) ay ginulantang ng mga Street Gang’ ang taimtim na misa sa sa St. Joseph Church.

Marami ang grabeng nasugatan matapos na magpaputok ng baril ang mga suspek.

Ang pinagtatakhan ko ay kung bakit wala ni isang tamad na pulis ng PS1 at Gagalangin Block ang nagresponde sa shooting incident ganung katabi lang ng istasyon ang lugar na pi-nangyarihan ng kaguluhan.

E paano, wala kasing inaatupag si Supt. Tumalas, este, Tumalad kundi ang lingguhang intelihensiya o kotong nito na kinokolekta ng tong-collector nitong si Tata Rolly.

Ang isa pa ay bilang lang ang mga matitiyagang pulis na pumapasok sa PS1 dahil halos lahat ng mga pulis rito  ay pawang mga nakabaon o kung magpakita lang sa presinto ay 15/30.

Ang balita ko nga ay ‘bagyo’ raw si Supt.Tumalad  kay MPD Gen. Alex Gutierrez kaya kahit sangkatutak ang kapalpakan nito ay hindi siya kayang tanggalin ni heneral.

Bakit?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply