Rachelle Ann Go tulog queen ang drama noong Pasko

PINAGTATAGUAN lamang pala ng mang-aawit na si Rachelle Ann Go ang kanyang mga inaanak noong nagdaang Pasko Dec. 25, 2011. Kahit ang madir nito ay natutulog din daw at kahit anong katok ng katulong nila ay ayaw talagang magising. Kunsabagay, mahirap gisingin ang taong gising naman talaga. ‘Ayon kasi sa katulong ni Rachelle Ann at sa mommy nito, mga alas-kuwatro na raw ng umaga nakauwi ang mag-ina kaya’t napuyat siguro.

Pero yung ibang nagpunta para sana’y mamasko sa kanya ay mga alas-dos na rin ng hapon pero natutulog pa rin daw ang mga ito ayon sa naging rason ng kasambahay nitong mang-aawit. Syempre, naloka ang mga kasamahan natin sa panulat at ang feeling nila’y pinagtataguan lamang sila nito. Well, baka naman walang maibibigay na pamasko itong si Rachelle Ann kung kayat nagtatago ito. Isa pa’y wala yatang career at mga show ang nasambit na mang-aawit buhat ng lumipat siya sa Siyete mula sa ABS-CBN.

Ano sa palagay mo, Tito Pete? (Well, wala siguro sila sa mood mag-share ng blessing. Hahahahahaha! – Ed)

***

Guwapong actor/politico ayaw magbigay ng tulong

LAST time na sinulat natin itong actor/politician ay ang tungkol sa pagiging galante niya sa mga kaibigang movie reporters. Ito’y kaugnay sa pagmamagandang loob nya na trip to Hong Kong and Singapore sa mga nasambit na movie writer with matching pabaon ng cash. Sa totoo lang, wala kaming pakialam kung magwaldas man ng datung si actor/politician. Kaya lang, ang tanong, saan ba kumukuha ang guwapo at morenong politician ng pondo para pagbakasyunin niya sa Hong Kong at Singapore ang naturang working press?

Anyway, may isang kaibigan itong si actor/politician na humingi raw ng tulong or donasyon para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro pero dead-ma lang daw ito.

Well, kaloka talaga ang politician na ito. Sobrang galante siya sa mga movie press tapos doon sa talagang nangangailangan ng kanyang tulong ay wala siyang maiabot. May plano or balak pa kaya sa show business ang kumag na ‘to kung kaya’t ngayon pa lang ay nagsisimula na siyang magpalakas sa mga reporter?

***

Grand finals ngayon ng Bikini open sa Whitebird ‘di tuloy

SA HINDI inaasahang pangyayari ay nagdesisyon ang mga boss ng Whitebird na sina Sir Nilo at Boss Willie Pingol na i-cancel ang grand finals ng bikini open ngayong araw, Dec. 29, 2011. Ang rason, nag-back-out yata ang mga major sponsors nito. Anyway, kahit hindi natuloy ang bikini open grand finals sa Whitebird, tuloy pa rin ang saya at ligaya ng kanilang mga parukyano dahil may isang pagtatanghal na hinanda ng mga male model and macho dancers na talaga namang tutulo ang mga laway at pagpapawisan kayo habang pinanonood sila sa entablado na walang saplot. Para sa mga detalye, tawagan lamang or i-text si Mama Gretta Locca sa kanyang CP #09217405735.. Epek na ba to Sir Joven and Sir Jordan?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply