Ratings ng ‘Toda Max’ mas lalong tumaas dahil kay Angel Locsin

HINDI nga nagkamali ang Dos na gawin ng regular sa weekly sitcom na “Toda Max” si Angel Locsin. Nakita kasi ng mga executive na may chemistry itong sina Angel at Robin Padilla nang mag-guest minsan sa nasabing sitcom ang sikat na actress na kinabibilangan rin nina Vhong Navaro at Pokwang na ang rating ng episode na ‘yun ay very impressive. So, super convince talaga ang ginawa ng mga namamahala ng show kay Angel at manager nitong well-loved and respected sa industriya na si Mana’y Ethel Ramos para mapapayag nga si Angel na maging regular na sa show. At ‘yun nga, lalo pang tumaas ang ratings nito kung saan kinakabog talaga ng TM tuwing Sabado ng gabi ang katapat na show sa ibang network.

Ilang beses ng pinatunayan ni Angel ang pagiging reyna sa ratings lalo na sa huling ginawa nitong teleserye na “Imortal” with John Lloyd Cruz. Hindi lang sa TV malakas ang hatak ng actress kundi sa movies rin kung saan naging mega blockbuster ang movie nila ni Aga Muhlach na “In The Name of Love” na kumita rin ng limpak-limpak na dollars sa international market nang ipalabas ito roon. Sa kanyang lovelife naman, isa na si Angel sa pinakamasayang babae sa mundo dahil sa natagpuan na nito ang right guy for her na si Phil Younghusband.

You deserve all of this gyud!

***

Charice Christmas concert sa Resorts World nilangaw!

ANG dami-raming nang-ookray sa amin nila BFFT Pete A. at kaibigan at kalapit kolumnista rito sa Hot na Hot na Tabloid ng bansa na Remate.

Sa tuwing pinipitik namin sa aming daily radio show na Star Na Star (aired Mon-Fri 2 to 3 PM over DWIZ) ang Young International Diva na si Charice. Pinagdududahan kasi namin talaga, ganoon na rin ng iba, ang sincerity ni Charice at ng Mommy nitong gahaman sa salapi at plastikada sa ginawa nilang pag-aasikaso at pagsagot sa funeral services ng ama ng singer na si Mang Ricky Pempengco na pinaslang few months ago sa San Pedro Laguna. Kasi naman noong buhay pa ito, pinabayaan lang siya ng kanyang dating mag-ina. Tapos kung kailan siya nawala sa mundong ito doon kuning-kuning ipinadama ni Charice na mahal na mahal siya nito. Tupperware at orocan gyud! Parang young version siya ni Bubugita, the Lomod Queen. Hayan, dahil sa kanilang mga kaplastikan nilangaw tuloy ang Christmas concert ni Charice na ginanap sa Resorts World Manila kamakailan lang. Very disappointing. Ang liit na ng venue di pa napuno ng chakitang mang-aawit. Well, condolence girl. Carmi Martin gyud!

***

Bear Brand sumusuporta na rin sa Juan For All, All For Juan ng Eat Bulaga

SA GANDA ng hangarin ng Eat Bulaga na makapagpasaya at makatulong ng financial sa maraming bilang ng mga Dabarkads natin sa iba’t ibang barangay sa loob at labas ng Mega Manila sa kanilang public service segment araw-araw na Juan For All, All For Juan sugod-bahay sa Barangay, patuloy silang sinusuportahan ng kanilang mga sponsors tulad ng Coca-Cola, Puregold, Exchange MSE, Hanabishi Appliances, Voice Combo Sandwich, CDO, Sesame Hotdog, GIV Beauty Soap, Casino Ethyl Alcohol, Nokia cellphone, Extreme Magic Sing (pinamimigay sa mga PNV o Pambato ng Vidoke of the day) at ang Lucky Me Nam-Nam na siyang nagbibigay ng gift packs at cash bunos sa Bayanihan of ‘Da Pipol.

At ngayon, sumusuporta na rin sa nasabing segment na ito ng Bulaga ang Bear Brand, Lusog-Busog Family Cerial Drink Gift pack at 5K cash ang mga ipinagkakaloob nila daily sa mga residenteng sinusugod nila Dabarkads, Wally, Jose at Paolo sa kabahayan kasama na ang malalaking halaga ng cash at iba pang sangkatutak na premyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply