Regalo ni PNoy: Conditional pardon sa British national, 4 Pinoy

ISANG may sakit na British national at apat na Pinoy ang binigyan ng conditional pardon ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong taon na nilagdaan noong Disyembre 21.

Ang conditional pardon na may voluntary deportation ng 49-anyos na si William Burton, na ipinanganak na may thalidomide-damaged arms at mahina na ang kalusugan.

Nitong Disyembre 23, nagdesisyon si PNoy na i-commute ang sentensiya  ni Antonio Aure, Alvani Salasa, Aurelio Nartatez at Eddy Paneza, na ang kaso ay mula homicide hanggang illegal fishing.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte,  ang dokumento ng conditional pardon ni Burton ay ipinadala kay Justice Secretary Leila de Lima sa director ng Bureau of Corrections Board of Pardons and Parole.

Si Burton ay inaresto noong 1992 sa Ninoy Aquino International Airport bunsod ng tangkang pagpuslit ng marijuana palabas ng bansa at  nahatulan ng Pasay City Regional Trial Court Branch 116 nang mapatunayang guilty sa drug trafficking. Ang hatol ay kinatigan ng Korte Suprema.

Isa si Aure sa nabigyan ng conditional pardon ni PNoy  na may prison term na  25 taon.

Si Aure ay hinatulan ng RTC ng  Dapa, Surigao del Norte hinggil sa  illegal fishing gamit ang  dinamita, paglabag sa Presidential Decree 1058.

Nahatulan din si  Salasa nang habambuhay na pagkabilanggo at binigyan ng 27 taon na lamang sa kasong robbery with homicide sa RTC Tagum, Davao.

Si Nartatez naman na naunang binigyan ng indeterminate prison term ng 12 taon at isang araw hanggang 20 taon, multa ng P300,000 ay hinatulan ng RTC ng  Candon City, Ilocos Sur dahil sa drug-related case.

Samantala, binigyan  naman si Paneza ng definite prison term ng 25 taon at pinagbabayad ng civil indemnity na P50,000. Nilabag ni Paneza ang P.D. 532 o highway robbery ng RTC ng  Iloilo City at kinatigan naman ito ng Korte Suprema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply