Rehab sa mga paaralan pinamamadali

INIUTOS na ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na madaliin ang pagsasaayos ng mga paaralang sinira ng bagyong Sendong sa Dumaguete City, Iligan City at Cagayan De Oro.

Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, nakapagpalabas na sila ng pondo na gagamitin para sa pagkukumpuni sa 39 na paaralan na winasak ng nagdaang bagyo.

Katuwang ng DepEd ang mga sundalo ng Philippine Army, local government at grupo ng Rotary Club International sa ginagawang konstruksyon ng mga eskuwelahan.

Sinabi ng kalihim na pangunahin nilang tinututukan sa ngayon ang pagtatayo ng mga paaralan upang maipagpatuloy ng mga bata ang kanilang pag-aaral matapos ang naranasang kalamidad sa mga nabanggit na lugar.

Maging ang pagkukumpuni sa mga silya at librong nasira ng bagyo ay pinaaayos na rin ng kagawaran upang may magamit ang mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik sa paaralan matapos ang mahabang bakasyon bunsod ng Kapaskuhan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply