Rehabilitasyon ng Ifugao Rice Terraces isinusulong sa Senado

PINAGTIBAY ng Senado ang isang resolusyon na humihikayat sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magtulungan sa rehabilitasyon ng nasirang bahagi ng Ifugao Rice Terraces.

Ayon kay Sen. Francis Pangilinan, layunin ng Senate Resolution No. 650 na pakilusin ang gobyerno at pribadong sektor upang gumawa ng pamamaraan na mapaayos ang rice terraces na lubhang nasisira na.

“The rice terraces are a living cultural heritage of our indigenous people. They reflect the capacity of our people to build such grand structures. We have to ensure that they are preserved,” ayon kay Pangilinan.

Sa huling ulat ng Philippine Rice Research Institute, sinabi na isang uri ng bulate ang siyang sumira sa ugat ng mga germinated rice seeds at humuhulas ang lupain dahil hinuhukay nila ang pilapil ng hagdang-hagdang palayan.

Bukod dito, sinira din ang rice terraces ng bagyong Pedring at Quiel na sumalanta sa ating bansa nitong taon na bumaklas sa mahigit 102, 663 cubic meter ng bukirin.

Itinayo mahigit 2,000 taon na ang nakakalipas, tinatayang aabot sa 1,5000 metro na taas sa sea leval ang Ifugao Rice Terraces na sumasakop sa 10,360 square kilometer ng kabundukan na may matatarik na slopes na tinatayang aabot sa sukat na 70 degress maximum.

Naisama ang Ifugao Rice Terraces sa World Heritage List noong 1995 ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Iginiit ni Pangilinan na dapat himukin ng pamahalaan ang mamamayan partikular ang mga kabataan na lumahok sa pagkilos upang mailigtas ang rice terraces at maitaguyod ang pagpapahalaga sa kultura ng ating katutubo.

Kabilang sa bomotong pabor sa resolusyon sina Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, Loren Legarda, Ferdinand Marcos, Jr., Teofisto “TG” Guingona III, Pia Cayetano, Antonio Trillanes IV, Ralph Recto, Panfilo Lacson, Manuel Lapid, Manny Villar Jr. at Gregorio Honasan II.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply