Relief goods sa CDO, Iligan sobra-sobra

INAASAHANG hindi na mamumudmud pa ng pang-media noche ang DSWD sa mga evacuees sa Cagayan de Oro at Iligan City para sa pagsalubong sa Bagong Taon dahil sa sapat at sobra-sbora pa umano ang mga relief goods na naibigay.

Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, sapat naman ang mga pagkain at relief goods at sobra sobra pa nga kung saan punumpuno na ng mga pagkain ang karamihan sa mga evacuation center.

Kaya naman nanawagan din sila roon sa hindi pa naabutan o nagkukulang ng pagkain na ipagbigay alam lamang sa kanila para agad na mabigyan ng tulong.

Matatandaang bago ang Disyembre 25, ay namahagi naman ng noche buena packs ang DSWD sa mga nagsilikas.

Samantala, umaabot na rin sa P35.9 million cash ang nalikom na donasyon ng DSWD na gagamitin sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply