Renovation sa kwarto ni GMA depende sa korte

LUMALABAS na personal na gastos ng dating pangulo Gloria Arroyo sa renovations sa kuwartong kanyang gagamitin sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Sa harap ng pag-alma ng ilang sektor sa naunang pahayag ni DILG Sec. Jesse Robredo na aakuin ng pamahalaan ang gastos ng “basic needs” ni Arroyo sa VMMC, nilinaw naman ni Atty. Laurence Arroyo, na pera ng pamilya ang ginagamit sa pagpapagawa ng presidential suite na gagamitin ng former president.

Kabilang sa mga gagawing renovation ay ang bath tub, flooring ng banyo at kama ng presidential suite.

Kasabay nito, mariin ding pinabulaanan ng legal counsel ang mga espekulasyon na bahagi lamang ng kanilang delaying tactics ang hirit sa Pasay City Regional Trial Court na maipagpaliban ang paglilipat ng ospital ng kaniyang kliyente.

Ngayong araw  ay kinatigan ni Pasay-RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas ang apela ni Arroyo, kung saan binibigyan ito ng hanggang Biyernes para lumipat.

Tiniyak naman ni Atty. Arroyo na matatapos na ang paghahanda sa VMMC bago ang araw ng Biyernes.

Samantala, hindi papayagan ng pamunuan ng VMMC ang balak ng kampo ni dating Pangulong Arroyo na baguhin ang set-up ng presidential suite, na siya nitong gagamitin.

Ayon kay VMMC director, Dr. Nona Legaspi, mangangailangan pa ng court order bago nila papayagan ang gagawing renovation sa kuwarto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply