Restobar owner patay sa loob ng presinto

PATAY ang isang restobar owner matapos atakehin sa puso habang nakikipag–usap sa complainant ng kanyang dalawang tauhan sa loob ng investigation room ng pulisya kahapon sa Mandaluyong City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Tony Umali, nasa hustong gulang, may-ari ng JAPOK Resto Bar sa Blk. 7, Bliss Compound, Brgy. Mauway, nasabing lungsod.

Ayon kay SPO1 Edmund Fabila, imbestigador ng CIU alas 4:00 ng hapon nang maganap ang hindi inaasahang insidente, habang bina-blotter nito ang reklamo ng isang nagngangalang Raymund Gonzales, 30, ng Blk. 22, Lot 12, Villa Pangarap, Talon S. Las Piñas City.

Nabatid na inirereklamo ni Gonzales ang dalawang tauhan ni Umali na sina Nita Nelmida, 18 at kapatid nitong si Mark na kumuha ng kanyang IPOD Touch 326 habang siya ay nasa loob ng restobar.

Ipinagtatanggol ni Umali ang dalawang tauhan nang biglang bumagsak sa ibabaw ng mesa sa tabi ni SPO1 Fabila kung kaya agad na isinugod sa kalapit na Mandaluyong City Medical Center (MCMC) subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon pa sa imbestigador mahinahon naman ang pag-uusap ng dalawa sa kabila ng pagiging lango sa alak ng biktima kung kaya nagulat na lamang sila sa nangyari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply