Retiradong pulis kinuyog ng 4 na holdaper

BUGBOG-SARADO ang inabot ng isang retiradong pulis nang tangkain nitong labanan ang may apat na kalalakihang nangholdap sa sinasakyan nitong pampasaherong bus sa Quezon City kagabi (Nobyembre 30).

Isinugod naman agad sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na nakilalang si Nestor Miral, dating tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Bumuo naman agad ng police tracker team ang Quezon City Police District para tugusin ang mga suspect na grupo ng mga holdaper na ang binibiktima ay mga  pampasherong bus na bumabiyahe sa Efipanio delos Santos Avenue (Edsa).

Ayon sa QCPD, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-8:30 at alas-9:00 kagabi malapit sa kanto ng Edsa at Quezon Avenue.

Ayon sa konduktor ng bus na si Ester Abat, napansin niyang sumakay ang mga suspect sa Cubao at nagbayad pa ng kanilang pamasahe sa kanya.

Pero bago dumating ng Eton Centris sa Edsa ay nagdeklara na ang apat na suspect ng holdap at armado ng kutsilyo ay inisa-isa ang pagkulimbat sa mga cellphones, alahas at pera ng mga pasahero.

Nagkataon namang sakay si Miral sa naturang bus kaya nang makatiyempo ay tinangka nitong bunutin sa baywang ang kanyang baril pero nakita siya ng isa sa mga suspect na humantong kaya siya kinuyog ng mga kawatan at saka nagsitakas sa hindi malamang direksyon. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply