Rey Valera hambog!

NASA Startalk kami last Saturday dahil binista namin ang isa sa mga hosts rito na si ‘Nay Lolit Solis. Nakasalang si Rey Valera sa interview nang dumating kami ng studio. Aba! Ngayon ko lang nalaman na may pagkataklesa pala ang hinahangaan pa man din naming singer na sumikat noong mid 70’s. Imagine, nang tanungin siya ni Tito Joey kung sino ang gusto niyang manalo sa Grand Finals ng Protege kung saan isa siya sa mentors rito at finalist ang alaga, walang kagatul-gatol na sagot ng hindi namang kaguwapuhan at natutuyot ng ballader ay for him sina Claire dela Fuente at protege ng sikat na Diva/Talent Manager na si Jensen Kayra Tenoso ang gusto niyang mag-win. Kasi raw, maraming utang ngayon si Claire at kaliwa’t kanan ang kaso kaya naaawa siya rito lalo pa’t kaibigang matalik raw niya ang Viva recording artist.

Teka lang? Ang hambog naman ng dating mo Mr. Rey Valera. Proven na totoo nga ang mga sinasabi mo, dapat pa bang ipamukha mo on national television na maraming utang si Claire at kulang na lang ipagsigawan mo na naghihirap na ito?

Sige, nga magtabi nga kayo ni Claire. No offense meant, mukha ka lang niyang bodyguard o driver. Saka papano maghihirap ang kaibigan naming singer ni BFFT Pete A. eh, yung apat na malalaking resto nito na Claire dela Fuente Resto Bar and Grille na ‘yung dalawang branch ay parehong located diyan sa Macapagal Avenue at ‘yung bagong bukas na Asian Noodle nito na nasa Aseana Powerstation Macapagal Ave. Pasay City naman ay kumikita ng daan-daang libo kada araw. Hindi pa kasama riyan ang maraming units ng Phil Corinthian Liner ni Claire.

Naku, Rey, kalait-lait ka gyud!

****

Sikat na Diva ginamit at inutangan ni Actor masundan lang ang dating Papang Hunk sa Singapore

LAUGH kami nang laugh ni Amigang Pete at Abe Paulite sa bold and daring na blind item na aming nasagap recently lang na chinika sa amin ng respetadong personalidad. Tungkol ito sa controversial Actor na hindi mapakali kapag walang nalalafanggang lalaki.

Imagine, para masundan lang nito noon ang guwapong married Actor na nagladlad na ng kafa sa Singapore, pinormahan nito agad ang sikat na Diva, na osla na ngayon para mautangan lang ng datung at maisama siya sa concert series ng nasabing Singer sa ilang Asian countries.

Yes, tamaers ginamit lang ni Actor si Diva kasi in the first place, girl din siya kaya hindi niya ito filangga! Ang kaaliw sa kuwento muntik-muntikan nang magpasagasa sa tren sa Singapore si baklitang Actor nang makita ng dalawang eyesung nito na may ibang actor ng kasama ang kanyang kinababaliwang Hunk Actor na nag-out na nga. Mabuti na lang at aksidenteng may nakitang guwapong Stage Singer-Actor sa nabanggit na bansa ang bida natin.

Kaya, roon na lang siya nagpakasasa ng buong magdamag. Hayok gyud sa laman ha ha ha!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply