RH bill daan sa legalisasyon ng abortion – Sotto

GUGUWARDIYAHAN umanong mabuti ni Senate Majority Leader Vicente Sotto ang kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill para hindi ito maisabatas.

Naniniwala ang senador na sa sandaling maipasa ang nasabing kontrobersiyal na panukalang batas, magiging bukas o legal ang pagpapalaglag ng bata o abortion sa bansa.

Giit ni Sotto, kung may katotohanan ang mga naunang sinabi ni Senadora Pia Cayetano na kada taon ay nadadagdagan ang bilang ng mga nagpapa-abort, kung saan halos umaabot umano ito sa 500,000 kada taon, ito ay talagang nakapapangamba.

Ayon sa senador, kung totoong may naitalang ganito karaming bilang ng nagpa-abort, bakit walang mailabas na anumang talaan na magpapatunay sa nag-sponsor ng panukala.

Dagdag pa ni Sotto, noong Agosto ay hiningan na niya ang senadora na dokumento na magpapatunay sa naturang bilang ng mga nagpa-abort pero hanggang sa kasalukuyan ay wala naman itong mailahad.

Sinabi pa ng senador, nais umano ng mga nagsusulong ng mga RH bill na maging tulad ng ibang bansa ang Pilipinas kung saan legal ang abortion.

Tiwala si Sotto na makakakuha siya ng sapat na bilang ng boto sa sandaling pinabotohan na ang RH dahil maraming hindi sang-ayon na maipasa ito.

Ayon pa sa senador, dapat umanong basahing mabuti ang nilalaman ng panukala bago pagbotohan para maunawaan ang ninanais na ibatas na panukala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply