RH bill ibabasura, babala nina JPE, Sotto

IBINABALA nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senate Majority Leader Vicente Sotto III na baka maibasura ang kontrobersiyal na Reproductive Health Bill (RH) kung mamadaliin ng dalawang kasamahan ang debate sa plenaryo.

Unang nagbanta si Enrile sa pagsasabing huwag madaliin ang botohan sa plenaryo ng RH bill na mahigpit na kahilingan ni Sen. Pia Cayetano, awtor ng panukala.

“Huwag nilang madaliin ang botohan sa plenaryo kung ayaw nilang maibasura ang panuakala dahil marami pang nakapilang senador na gustong makipagdebate sa sponsor upang humingi ng paliwanag sa mga kuwestiyonableng probisyon,” ayon kay Enrile.

Nakatanggap ng report si Enrile na nagbabalak ang mga nagsusulong ng RH Bill na maghahain ng mosyon upang tapusin na ang debate sa plenaryo at agad na pagbotohan ang kontrobersiyal na panukala.

Sa pagtaya ng pangulo ng Senado nasa 10 senador na ang hayagang kumukontra sa panukala kung saan dalawa na lamang ang kulang para makuha ang mayorya.

Kinumpirma naman ni Sotto na may sampu pang senador ang nakapilang gustong makipag-debate sa sponsor ng panukala upang malinawan sa ilang mahahalagang probisyon ng RH bill.

Ngunit, sinabi ni Sotto na tila gawa ng Maykapal ang pangyayaring mapatagal ang deliberasyon sa RH bill dahil may nakasalang na impeachment case sa Mababang Kapulungan.

Inaasahann ngayong araw muling tatalakayin ang RH bill sa Senado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply