RH bill pinamamadali na ni PNoy– Belmonte

KINUMPIRMA ngayon ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte, Jr., na ipinamamadali na ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa mga kongresista ang botohan sa kontrobersyal na Reproductive Health bill.

Ibinuking ni Belmonte na nagkausap umano sila ng Pangulo upang alamin ang estado sa Kamara ng House Bill 4244 o ang Responsible Parenthood, Reproductive Health and Population Development Act of 2010.

Ani Belmonte, tinapat na niya si Pangulong Aquino na hindi na maisasalang sa botohan sa plenaryo ang RH bill ngayong 2011 dahil apat hanggang anim na araw na lang ang nalalabi at mag a-adjourn na ang Kongreso para sa mahabang holiday break.

Subalit siniguro naman ng House Speaker na sa pagbabalik ng sesyon ay maglalatag na sila ng ground rules para mapaikli ang interpelasyon at maipasa na ang panukala.

Sa ganitong paraan aniya ay matitigil na ang paulit-ulit na pagtatanong ng mga kongresista.

Ang RH bill ay halos siyam na buwan nang pinagdedebatihan sa plenaryo dahil sa umano’y malakas na pagla-lobby ng Simbahang Katolika.

Samantala, sinabi naman ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe na wala pang malinaw na bilang sa Kamara ang mga pro-RH dahil ang iba ay naninimbang bunsod sa takot na daanin sila sa pulpito ng kanilang mga obispo.

Nilinaw naman ni Batocabe na sa kanilang party-list ay conscience vote ang paiiralin at hindi ang dikta ninuman at sa tatlo aniyang kinatawan ng AKO Bicol ay siya lamang ang pabor sa RH bill at ang dalawa ay tutol dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply