Rhian hindi lang isang beses nagpa-abort – Mo

HUMINGI ng paumanhin si Mo Twister sa TV network kung saan nagtatrabaho si Rhian Ramos, makaraang magbanta ang TV station na kakasuhan siya dahil sa umano’y malisyosong mga pahayag sa kumalat na video.

Pinagsisisihan daw niya ang lahat pero ipinangako sa sarili na hindi na uulitin ang ginawang pagkitil sa isang buhay.

Sa final statement ni Mo na inilabas, inihayag nito na nagpa-abort nga si Rhian sa Singapore at sinabi pa na natuklasan niyang hindi lang ito ang ginawang pagpapa-abort  ng aktres.

Tatlong buwan at kalahati na raw noon ang dinadala ni Rhian nang sabihin sa kanila ng mga namamahala sa career ni Rhian na hindi pa iyon baby kahit na nandoon pa siya mismo nang isagawa ang ultrasound.

Ayon pa kay Mo, ang video na ginawa niya ay kinuha sa kanya ng mga nangangalaga sa career ni Rhian at sa harap daw niya ay binura ang mga ito para walang ebidensiya.

Gayunpaman, itinanggi ng TV host na siya ang nagpakalat ng nasabing video sa internet.

Samantala, nagsampa na kanina ng petisyon sa korte ang kampo ni Rhian Ramos, para mabigyan ng proteksyon laban sa dating kasintahan.

Ayon sa legal counsel ni Rhian na si Atty. Lorna Kapunan, hihilingin nila sa korte ang protection order para sa kaniyang  kliyente para huwag na makalapit sa aktres si Mo.

Sinabi ni Kapunan na ang ginawa ni Mo ay paglabag umano sa Anti-Violence Against Women ang Children’s Act.

Sinabi naman ng isang kaibigan ni Mo na wala na ngayon sa bansa ang TV host.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply