Rhian Ramos ginigipit ni Mo Twister

AMINADO si Rhian Ramos na na-trauma siya sa mga pinaggagawa ng kanyang ex-boyfriend na si Mo Twister.

Sinabi ng dalaga na agad siyang magsasalita tungkol sa kontrobersiya na kinasasangkutan nila ng TV and radio host na si Mo Twister as soon as possible.

Pansamantala munang tumanggi si Rhian na magsalita tungkol sa kontrobersiyal na video ni Mo na naka-upload sa YouTube kung saan nakapaloob ang pahayag ni Mo hinggil sa umano’y pagkitil ni Rhian sa kanilang magiging anak sana noong nasa Singapore sila, kalagitnaan ng 2010 dahil hindi pa niya napapanood ang video.

Nakatakda namang magsampa ng kaso laban kay Mo ang pamilya ni Rhian sa pagkalat ng video, na may titulong “RepairedMovie.mov,” at in-upload ng isang PrettyJenny55 noong November 28, 2011.

Naniniwala naman ang kampo ni Rhian na ginagawa ni Mo ang paninira sa dalaga dahil hindi matanggap nito ang pakikipagkalas ng aktres.

Samantala, sa isang post sa twitter, sinabi ni Mo na hindi siya ang nag-upload ng video sa YouTube.

“i know you all have so many questions about what happened. i cant give any clear answers right now because I too am wondering how it all got here. I know i sold many of my things including computers that i had erased. apparently, someone ‘repaired’ the erased files/hard drive and uploaded some personal files of mine. i feel terrible about it,” bahagi ng mensahe ni Mo na mababasa sa kanyang TweetDeck.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply