Rico J. pinatutsadahan ang sekswalidad ni Piolo Pascual

MALAMANG na nandito pa sa bansa si Mo Twister habang binabasa n’yo ito. Andito pa rin siya either voluntarily o dahil naipa-hold departure na siya ng GMA Artist Center na siyang nagma-manage ng career ni Rhian Ramos na ibinulgar n’ya sa isang video recording na ipinalaglag umano ang baby nila sa Singapore nung July 29.

Habang binabasa n’yo ito, malamang na nasampahan na ng GMA Artist Center ng demanda si Mo–at ang demandang yon ang pwedeng maging dahilan para humiling sila sa korte (o sa Department of Justice siguro) na huwag palabasin ng bansa si Mo (na nakapagtatakang di umalis nung November 30 na una n’yang ipinamalitang araw ng kanyang pag- alis papuntang New York). Hindi na siguro kailangang ipaaresto pa si Mo at ipakulong agad.

Malamang na habang binabasa n’yo ito, nadiskubre na kung sino si “Pretty Jenny” na nag-post ng video sa You Tube kung saan idina-diary ni Mo electronically sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap na video camera o ng web camera (“video  blog” ang tawag dito) ang nararamdaman n’ya tungkol sa umano’y nakaiskedyul ng pagpapa-abort ni Rhian kinabukasan (supposedly ay July 28 ng gabi n’ya iniri-record ang feelings n’ya sa Ritz Carlton Hotel sa Singapore, kung saan magkasama sila ni Rhian, na di naman ipinakita sa video kung andu’n nga).

Umamin na si Mo na siya nga yung nasa video na nai-post na sa You Tube at sa iba pang websites sa Internet pero wala raw siyang kinalaman sa pagkaka-upload ng video n’yang yon.
Alam n’yang galing sa laptop computer n’ya ang video, pero naibenta na raw n’ya ang computer na yon at bago naman daw n’ya ibinenta yon ay nabura na n’ya ang lahat ng laman nu’n.

Gayunpaman, parang alam n’ya na ano mang binura na sa isang computer ay nairi-restore din sa pamamagitan ng paggamit ng software na kung tawagin ay “Repair.” Sinabi sa isang interbyu na hindi pumasok sa isip n’ya na ipapa-“Repair” nung pinagbentahan n’ya ng computer n’ya ang files na binura na n’ya. Pero di naman n’ya si- nabing ang pinagbentahan n’ya ng computer n’ya ang nag-upload ng video n’ya tungkol sa kanila ni Rhian. Pwede namang ibang tao. Kung sa isang shop ipina-“Repair” yon, pwedeng sino man sa shop na nagka-access sa restored files ang naglagay nu’n sa You Tube. Pero siya ang pasimuno ng lahat ng ito kaya dapat lang na siya ang idemanda ng sa gayon ay ipagtapat n’ya kung kanino n’ya yon ibinenta, at pagkatapos nu’n ay matunton kung saan at kung kanino ipina-restore ang umano’y binura na n’yang video blog.

Tiyak na isang matinding bangungot para kay Rhian ang video na yon, lalo pa’t hindi naman itinatanggi ni Mo na siya mismo ang gumawa ng video na yon. Ipanalangin na- ting ma-survive ni Rhian ang kontrobersyang kinasadlakan n’ya dahil sa pakikipagre- lasyon n’ya sa balikbayang radio-TV host.

* * * *

May gimmick ang mga network na kung ano ang number ng channel nila, yun ang petsa ng party nila para sa showbiz press. That means nung December 2 ay ang ABS-CBN 2 ang nag-party sa kanilang pamosong Dolphy Theater.

Cute naman na dumating ang mga reporter na di lang nakabihis nang maganda kundi nakasuot ng mga sumbrerong may iba’t ibang hugis at kulay. Hat party ang tema ng pagdiriwang. May contest, siyempre pa, sa may pinakakakaibang sumbrero n headgear (actually, di naman sumbrero ang suot ng iba kundi ceremonial costume).

Labinlimang bading at lalakeng reporters ang sumali sa “beauty contest” na My Girl kung saan ang tatlong hurado ay tatlong lehitimong beauty queens na kinabibilangan nina Chamsey Supsop, Dianne Necio, at Isabela Manhoff.  Hit na hit ang “beauty con- test” kung saan ang nagwagi ay si John Fontanilla. Hinarana sila ng Boys Are Boys ng ASAP Rocks na binubuo nina Markky Stroem, Bryan Termulo, at Alex Castro (actual- ly, kasali rin sa grupo si JM Guzman pero di siya nakarating).

Ang hosts ng Happy, Hippie, Yippie na sina Randy Santiago, Rico Puno, at John Estra -da ang nag-open ng party with a production number and with the game na pahabaan ng hininga. Walang-takot si Rico J. sa pabirong pagpapasaring tungkol sa kontrobersyal na kasarian ni Piolo Pascual. (Which means walang tagubilin ang management na huwag kantiin ang aktor na ex-boyfriend ni KC Concepcion.)

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply