Riding in tandem muling umatake: libu-libong cash, tseke tinangay

NATANGAY ang may P117,000 cash at tsekeng nagkakahalaga ng kulang-kulang milyon ng mga miyembro ng riding in tandem maharaang looban ng mga ito ang isang lending institution sa bayan ng Nabua sa lalawigan ng Camarines Sur.

Nabatid na kagagaling lamang ni Chris Capunga, branch manager ng “Simbag sa Pag-asenso Incorporated” kasama ang kaniyang empleyadang si May Moran sa BDO-Iriga branch sa pagwi-withdraw ng pera nang maganap ang insidente.

Lulan ng isang motorsiklo, binaybay umano ng mga biktima ang kalsada sa bahagi ng San Francisco, Nabua nang dahan-dahan ang mga itong sabayan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay din ng isang motorsiklo.

Tinutukan umano ng isa sa mga suspek ng cal. .48 na revolver ang dalawa at pwersahang kinuha sa mga ito ang isang bag na may lamang P117,000 cash, mga tsekeng nagkakahalaga ng P481,458; P500,000 at mga importanteng dokumento ng kompaniya.

Sinubukan pa sanang habulin ng mga biktima ang mga suspek subalit muli umanong tinutukan ang mga ito ng baril.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply