Riding in tandem tepok sa parak

NASAWI ang dalawang hinihinalang miyembro ng riding-in-tandem robbery hold-up group makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng Regional Special Operation Group (RSOG) at mga elemento ng Calamba Police sa Calamba, Laguna kaninang madaling araw, Disyembre 12.

Nabatid na agad nagpalabas ng alarma ang Calamba Police Station matapos makatanggap ng impormasyong manghoholdap ang mga suspek sa Barangay Tres.

Pasado alas 4:00 kaninang madaling araw nang mamataan ang mga suspek sa Barangay Paciano, Rizal pero nakatunog ang mga ito na sinusundan sila ng mga awtoridad kaya agad pinasibat ang sinasakyang motorsiklo.

Gayunman, nasukol sila kaya ngunit nanlaban ang mga suspek na nagresulta sa agarang pagkasawi.

Narekober sa dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang kalibre .45 at kalibre .38 na baril gayundin ang sinasakyang motorsiklo na napag-alamang kinarnap.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply