RMN anchorman todas sa flashflood

KABILANG ang isang radio broadcaster sa mahigit 100 katao na namatay sanhi ng pagbaha na dala ng Typhoon Sendong sa Iligan City.

Kinilala ni Iligan City Mayor Lawrence Cruz, ang biktima na si Ernie Alsonado, isang regular commentator ng RMN Iligan. Hindi naman makumpirma kung paano ito namatay.

“Siya po ang pinaka-prominent na casualty so far,” pahayag ni Cruz.

Kinumpirma ng isang staff ng RMN Iligan, ang pagkamatay ni Alsonado.

“Siya ang main anchor ng RMN dito sa Iligan. Mukha po yatang may nire-rescue siya kagabi (Disyembre 16) pero siya ang naging casualty,” pahayag ni Cruz. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply