RoS, Petron pareho ang misyon

DALAWANG slots na lang ang nalalabi para sa Final Four ng 2011-12 PBA Philippine Cup.

Unang pumasok sa semis ang Talk ‘N Text Tropang Texters at sumunod ang Powerade Tigers.

Sa Miyerkules (Disyembre 21) pipilitin ng Rain or Shine Elasto Painters at Petron Blaze Boosters na tapusin ang kanilang katunggali sa playoffs na gaganapin sa Ynares Center sa Antipolo.

Kakalusin na ng Elasto Painters ang crowd-darling Barangay Ginebra Kings sa 5:15 ng hapon upang harapin sa F4 ang Tigers na sinilat ang No. 1 seed B-Meg Llamados, 131-123 kagabi (Disyembre 18).

Sisikapin naman na kunin ng Boosters ang laban sa Meralco Bolts sa 7:30 ng gabi upang harapin nila sa susunod na stage ang Tropang Texters na tinalo ang Barako Bull Energy sa playoff.

Best-of-three ang labanan sa playoffs at naka-isa na ang RoS at Petron subalit para sa dalawang top two finishers sa pagtatapos ng elimination rounds ay nabigyan ng twice-to-beat bonus.

Nangunguna ang Llamados at ikalawa ang Tropa.

Sinagpang ng dehadong No. 8 seed Tigers ng dalawang beses ang Llamados matapos sumingasing si Powerade guard Gary David.

Kumana ng 37 puntos ang dating ace player ng Lyceum of the Philippines Pirates David kasama ang career-high 8-of-13 sa 3-point shooting upang kumpletuhin ang upset at humakbang papalapit sa Finals.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply