Roxanne Barcelo pumayag nang maghubad sa pelikula

NASA bansa ang Japanese actor/producer na si Jackie Woo na may pusong Pinoy para tuparin ang ilang commitment na naiwan bago ito nagpunta ng ibang bansa.

Ayon kay Jackie nang makatsikahan namin sa taping ng Bubble Gang, tinanggap na niya ang matagal nang movie project sa Korea.

“Will start shooting first week of January, 2012. Matagal na `to. Hintay talaga nila (Korean director) ang availability ko. Now, that I`m free kaya tinanggap ko na. Sayang,” pabirong say ni Jackie.

“Title of the movie is Fate, and we had presscon kamakailan in Korea where I meet other co-actors,” say pa ng Japanese actor/producer na may pusong Pinoy.

Bukod dito ay may mga naka-line-up pang pelikula si Jackie for 2012 kabilang ang movie niya sa China, Sony Pictures at dito sa Pinas.

Ang Indie movie niya na Haruo na kinunan sa ating bansa ay kasali sa Metro Manila Film Festival na magkakaroon ng premiere night sa Dec. 18 kung saan kasama niya rito sina Roxanne Barcelo at Rosanna Roces na kapwa may maiinit na eksena kay Jackie.

Sabi ni Roxanne, hindi na raw siya nagpaligoy-ligoy at nag-inarte nang malaman na may bed scene siya kay Jackie Woo. Tinanggap niya ang offer dahil una ay pang-international release ang Haruo at hindi naman ito isang bold movie.

Pagbubulgar pa ni Roxanne na first time siya pumayag na maghubad sa pelikula, pero mas daring daw ang bed scene nina Rosanna at Jackie kumpara sa love scene nila ng Japanese actor/producer.

****

AYON sa source, pinasok ng magnanakaw ang bahay nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla na matatagpuan sa Parañaque City. Take note, isang exclusive subdivision ang tirahan ng Comedy King at wife niyang si Zsa Zsa.

Nangyari ang panloloob sa bahay ng Comedy King noong first week ng December at nakapagtataka lang na paano nakapasok ang magnanakaw sa subdivision gano’ng may guard ito at sobrang higpit bago ka makapasok sa loob ng subdivision.

Bago ka kasi makapasok sa loob ay tsini-check pa muna sa pupuntahang bahay kung may bisita silang darating bago ka makapasok.

Kaya malaking tanong ay kung paano nakapasok ang magnanakaw sa loob ganoong may guard bago sila makapasok.

Ayon pa sa source, ang mga katulong lang ang nasa bahay nang pasukin ang bahay ng Comedy King at isa sa katulong ang nakakita sa magnanakaw habang binubuksan daw nito ang drawer sa loob ng master bedroom kaya nagsisigaw ito na naging sanhi para mataranta daw ang suspect na kaagad tumakas pero nadala na raw nito ang laptop ng singer/actress na nagte-taping that day.

Kaagad daw tinawagan ng katulong si Ms. Zsa Zsa para ipaalam ang nangyaring nakawan sa kanilang tahanan.

Tinawagan at humingi kaagad ng tulong si Zsa Zsa kay Kris Aquino na kaagad din namang umaksyon para magpadala ng mga uniformed men from the PSG (Presidential Security Group) para magsiyasat sa loob ng subdivision.

Ang tanong ng sinumang naninirahan sa isang exclusive village, paanong nakapasok sa loob ang suspect kung saan mahigpit na ipinatutupad ang mga security rules?

Ang bahay nina Dolphy at Zsa Zsa ay malayo sa gate. Hindi ito yung bahay na agad bubungad pagpasok mo ng gate.

Paano nakapasok ang suspect?

****

SO PROUD si Senator Bong Revilla sa performance rating ng maybahay na si Lani Mercado bilang Congresswoman ng Bacoor, Cavite.

Ayon pa kay Senator, susuportahan niya ang asawa kung sakaling tumakbo itong Senador sa darating na halalan.

Pero as of now ay wala pa naman daw nakikitang senyales si Senator Bong kay Congresswoman Lani na tatakbong Senator dahil nakatuon ang attensyon ng asawa sa Bacoor Cavite para maging ganap na siyudad.

Samantala, abala si Senator Bong ngayon sa promo ng Panday 2, entry sa Metro Manila Film Festival sa December.

Sa TV naman ay masaya siya sa regular show niyang Kap`s Amazing Stories sa GMA-7 na laging maganda ang ratings every Sunday.

“Tuloy-tuloy ang Kap’s, Tapos nagpla-plano kami ng GMA na gumawa ng soap. Kapag walang naging aberya, wala nang dahilan para hindi ito matuloy,” say ni Senator nang makausap namin sa pa-Xmas party niya sa staff, production at bumubuo ng kanyang TV show na KAS sa Studio 1, GMA 7.

Yung commitment naman niya sa Star Cinema to do a movie ay pag-uusapan pa nila next year.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply