Sa pinirmahang P1-B kontrata sa TV5 ni Sharon… ‘Kainggit naman’- Vilma Santos

KAHIT gaano pa man ka-hectic ang schedule ng Star for All Seasons at ngayo’y gobernadora ng si Vilma Santos ay updated na updated pa rin siya sa mga nangyayari sa local showbiz. Kahit pa ngarag ngayon ang kanyang beauty para sa nalalapit na Ala Eh Festival ng Batangas City kung saan ay ipagdiriwang ang ika-4 na taon o foundation day ng Batangas City.

Sa totoo lang, ika-430 years na ng pagkatatag ng Batangas pero nagsimula lang ito ipagdiwang nang umupo sa tungkulin bilang gobernadora ng Batangas City si Ate Vi, kung saan ay napansin niya na halos lahat ng bayan sa Batangas province  ay may ipinagdiriwang na foundation day samantalang ang Batangas Province mismo ay walang foundation day na maituturing bago pa man sa pamamahala ni Ate Vi. Taong 2007 nang simula itong ipagdiwang ni ng mga Batangueño na pumapatak sa petsang December 8. At ngayon taon ay may one week celebration sila na gagawin sa Calaca, Batangas na magsisimula sa Dec. 1 to Dec 8. Bilang over-all chairman ng mga activity ay sinisiguro ni Gov. Vi na maganda ang kalalabasan nito lalo pa nga’t may adhikain ang butihing gobernadora na palaguin ang turismo sa bayan niya.

And going back to showbiz, masayang sinabi ni Gov. Vi na kahit anong abala niya bilang isang public servant, mananatili siyang isang showbiz personality at ito na rin ang kanyang kinalakihan. Kaya nga ba nang mahingan ng komento si Ate Vi hinggil sa P1-bilyon kontrata na pinirmahan ni Sharon Cuneta sa TV5, na kumabog sa lahat ng talent fee ng mga malalaking artista kabilang na nga si Ate Vi, ay namutawi sa bibig ni Gov. Vi ang katagang “Kainggit naman.” sabay sabing “she deserves it.”

At para naman kay Ate Vi, hindi raw niya magagawang magpresyo ngayon o maglatag ng kanyang demand kung sakaling kunin siya ng isang network dahilan sa kanyang sitwasyon bilang isang public servant at ina ng tahanan. Per project basis lang daw muna siya pero kung sakaling dumating ang time na mainit pa rin siya sa industriya ng showbiz ilalatag daw niya ang kanyang talent fee bilang artista sabay wikang “take it or leave it.”

***

NAKITA na raw si Carmina Villaroel na nakikipag-meeting sa pamunuan ng Dos para sa nalalapit niyang paglipat sa Kapamilya Network. Ayon kay Zoren, totoong nakikipag-meeting raw ang kanyang asawa sa ABS-CBN 2 pero usapan pa lang naman daw iyon, wala pang katiyakan. At sa bibig mismo ni Zoren sinabi nito na malay daw natin dahil andun na sa TV5 sina Gelli de Belen at Ruffa Gutierrez na pawang mga bespren nito’y mas lamang daw ang posibilidad na maging Kapatid si Carmina kaysa maging Kapamilya. Well, yan siyempre sa payo na rin ng asawa na obvious na wiling-wili sa Kapatid Station.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply