Sagot sa impeachment isinumite na ni Corona

PORMAL nang inihain ni Chief Justice Renato Corona sa Senado ang kanyang sagot sa impeachment complaint laban sa kanya.

Dakong alas-3:25 ng hapon kanina nang personal na tinanggap ni Atty. Jose Banez, officer-in-charge ng tanggapan ng Senate Secretary kay Atty. Dexter Corpuz ang 79 pahinang sagot ni Corona.

Kanina ang huling araw na ibigay kay Corona para sa sampung araw na taning upang sagutin ang reklamong inihain ng Kamara laban sa kanya.

Sa nasabing sagot ni Corona, hiniling nito ang agarang pagdismis sa “verified impeachment complaint” dahil sa kabiguang matugunan¬† ang kinakailangan sa ilalim ng Konstitusyon.

Napag-alaman pa na isang orihinal na kopya ng sagot ni Corona ang ipinadala sa Senado at 32 photocopies para naman sa senator-judges.

Nauna rito, sinabi ni Supreme Court spokesman Atty. Jose Midas Marquez, unang isinumite ang sagot sa Kamara bago idineretso sa Senado.

Kinumpirma rin ni Marquez ang pagkakaroon ng legal team ni Corona para humarap sa Senado na kinabibilangan ng anim na abogado.

Maliban dito, magtatalaga raw sila ng tagapagsalita sa oras na masimulan na ang paglilitis kay Corona.

Gayunpaman, tiniyak naman ni Marquez na hindi maapektuhan ang trabaho ng punong mahistrado sa kasagsagan ng paglilitis ng Impeachment Court.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply