Salisi, akyat-bahay ang dami sa barangay

ANO na ba ang sinasabi ng mga pulis ukol sa krimen?

Ang natatandaan natin, lumiliit umano ang bilang ng mga krimen.

Epektib talaga ang mga operasyon at laging namamatay ang mga kriminal sa engkuwentro, sabi.

Bibihira ang mga nabubuhay na mga kriminal sa mga engkuwentro dahil lumalaban sila, paliwanag ng mga pulis.

Oo nga naman.

Mauubos ang lahi ng mga kriminal sa ganyan na istayl.

Kaya lang, totoo naman kaya na lumiliit ang bilang ng mga krimen?

oOo

Sa ating pamamasyal sa mga barangay, parang hindi totoo ang sinasabi ng mga pulis,
lalo na sa mga krimen na “against property.”

Wataymen, ang mga pagnanakaw, panghoholdap, salisi, akyat-bahay at marami pang iba.

Hindi na umaabot ang mga kaso sa mga blotter ng mga pulis dahil sa paniniwala ng mga biktima na wala ring mangyayari.

Wataymen, tamad umano ang mga pulis na kumilos para kilalanin at dakpin ang  ganitong mga kriminal.

Problema rin ang kawalan ng gana ng mga biktima at witness na magsumbong dahil sa wala silang proteksyon mula sa gobyerno.

Kapag naging witness ka sa krimen, basta ka na lang inilalaglag na saksi at patay kang bata ka sa mga rume-resbak na kriminal.

oOo

Mabuti na lang at may mga barangay na takbuhan ang mga biktima.

Kung hindi man nasosolb ang maraming krimen, sapat nang maramdaman ni Juan na
nakikinig sa kanila ang mga barangay.

Tuwing may nangyayari na ganito, may mga nagroronda na tanod, kasama ang mga kagawad o mga kapitan.

Ang mga pulis?

Naroon sa mga iligal na vendor at namamara ng mga dyipni nang walang dahilan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply