Sam Milby nagulat sa break-up nina Piolo at KC

AYAW makialam ni Sam Milby sa problemang pinagdaraanan ng kanyang mga kaibigan na sina Piolo Pascual at KC Concepcion.

Ikinagulat ni Sam nang pag-uwi niya galing sa Tate, ang balitang bumulaga sa kanya na hiwalay na ang dalawa at umiyak pa si KC sa TV interview nito.

“They are both my friends and I really don’t know what happened. Kaya I can`t comment on anything.

“But I really feel sad for what happened kasi okey naman sila eh. They get along well. Nakagugulat lang that something like this could happen to people like them.

“I only wish that things go well between them. We can only pray for them. Whatever it is, I hope that they still ask God for guidance,” reaksyon ni Sam.

Isa si Sam sa nabigyan ni German Moreno ng star sa Walk of Fame Philippines sa Eastwood City Garden.

Umuwi si Sam mula sa Tate para lang makasama niya ang ibang mga artistang binigyan din ng star.

“This is a great honor for me. I feel that I don’t deserve this. This is something that you give to people who have achieved so much in their lifetime. Like the veteran stars that I see now with me in this event.

“Kaya thank you Kuya Germs for being so supportive sa career naming lahat. We are stars in our own right. By giving this to me, it’s a validation that I am doing something right sa career ko,” pahayag ni Sam.

***

WALANG off the record kay Derrick Monasterio kapag kausap mo ito. Tulad ng minsan nahumaling siya nang todo-todo kay Bea Binene.

“Crush ko talaga si Bea pero tila malabo dahil naka-concentrate siya sa kanyang showbiz career at may ka-loveteam siya na pinoprotektahan ng GMA-7,” say ni Derrick.

Wala siyang choice kundi sundin ang management at protektahan ang loveteam ng mga kasama sa Tween Hearts Academy.

Ask kung sino ngayon ang nagpapasaya sa kanya matapos na mapagtanto na imposible na siyang makapanligaw kay Bea, ito ang sagot niya.

“Si Sarah (Labhati) ang nagpapasaya sa akin ngayon. Nililigawan ko po siya at handa akong maghintay. Magpupunta kami ng Switzerland para sa TFC ng GMA-7 at doon ko siya muling liligawan.

“Kapag sinagot niya ako, sa simbahan ko siya kaagad dadalhin para maging legal. Pero kung hindi, di pa rin ako titigil sa panliligaw,” pag-amin ni Derrick na may TV series na inihahanda para sa tandem nila ni Lexi Fernandez sa GMA-7.

Nakatutuwang kausap ang teenager na tinanghal na Best New Male ng PMPC Star Award for TV kamakailan.

At 16 years old, wala siyang inhibition itago ang tunay na nararamdaman at gusto sa buhay.

Gusto niya magkaroon ng sariling kotse pero barya pa lang daw ang naiipon niya para matupad ang pangarap na magkakotse.

Dahil malapit na ang Pasko. Ask namin kung ano ang Christmas gift niya kay Sarah at mga kaibigan sa showbiz?

“Yun mura lang po. Can’t afford pa po ako mamili ng mga mamahaling bagay na pangregalo. Siguro pupunta ako sa Divisoria, Ha! Ha! Ha!, joke lang po. Kung may ibibigay ako sa isang tao ay sigurado na yung regalo ay nagmula talaga sa aking puso,” pahayag pa ni Derrick.

***

MASAYA ang Pasko ni Dingdong Dantes ngayong taon, careerwise at maging sa personal na aspeto. May filmfest movie siya na “Segunda Mano” with Kris Aquino at sa lovelife naman going strong ang relasyon nila ni Marian Rivera.

Sa darating na Kapaskuhan ay sa bahay lang daw siya magse-celebrate pero after Christmas ay gusto niyang magpunta ng Boracay kasama si Marian.

Wala pa siyang naiisip na Christmas gift kay Marian pero ang girlfriend niya ay may regalo na sa kanya na isang Ducati motorcycle.

Samantala, present si Dingdong sa PPL (Perry P.Lansingan) Entertainment Christmas party for the press na ginanap last December 1. Bukod kay Dong ay dumalo rin ang iba pang talent ng PPL na sina Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, Carlo Gonzales, LJ Reyes, Wilma Doesn’t, Angelika dela Cruz, magdyowang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, Carl Guevarra, Wendell Ramos at Jolina Magdangal.

Ang mga nasabing celebrities ang nangasiwa ng party at nakisalo rin ng kasiyahan sa mga entertainment press kasama ang kanilang manager.

Among the PPL talents, ang hindi lang nakarating ay sina Janno Gibbs at Max Collins.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply