Sama ng panahon sa GenSan magpapaulan sa Mindanao

MAGKAKASA ng matinding pag-ulan at pagkulog sa Mindanao ang isang weather disturbance o low-pressure area (LPA)  na namataan malapit sa General Santos City kaninang umaga (Disyembre 31).

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang LPA ay nasa layong 490 km silangan-timog-silangan ng General Santos City ng alas-8:00 ng umaga.

“This weather system will bring cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms over Visayas and Mindanao, becoming widespread rains over eastern and southern Mindanao. It may trigger flash floods and landslides,” batay sa 10 a.m. advisory ng Pagasa.

Nauna rito, sinabi ni Pagasa forecaster Manny Mendoza na ang LPA ay hindi magiging ganap na isang bagyo o cyclone pero binalaan ang mga residente sa ilang parte ng Mindanao na maging alerto sa matinding pag-ulan.

Ang residente sa ilang parte ng Mindanao at sa Visayas ay nakararanas pa sa epekto ng tropical storm Sendong (Washi), na tumama sa lugar nitong kalagitnaan ng Disyembre.

Nag-iwan si Sendong ng mahigit sa 1,000 patay at P1 bilyon pinsala sa mga ari-arian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply