Sanggol patay habang sumususo sa ina

ISANG sanggol ang hinihinalang naipit sa suso ng kanyang ina habang nakikipagsisikan upang makakuha ng “conditional cash transfer” na ipinamumudmod sa ilalim ng programa ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino sa lalawigan ng Camarines Sur.

Sa report na nakalap mula sa Camp Crame, hindi kaagad nakuha ang pagkakikilanlan ng isang ina na namatayan ng anak matapos pasusuhin sa loob ng kanyang suot na t-shirt habang nakapila.

Base sa report ni  PO3 Freddie Jubana ng PNP Sipocot, hindi pa nila matukoy ang babaeng magwi-withdraw sana ng kanilang allowance mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ipinamamahagi ng Department of Social Welfare and Development  sa bayan ng Sipocot.

Itinuturing na dahilan ng pagkamatay ng kanyang apat na buwang gulang na sanggol ang suffocation habang pinapasuso at nakikipagsiksikan sa pila.

Nakaramdam umano ng gutom ang sanggol at sa halip na mabusog ito sa loob ng t-shirt ay tuluyang hindi na nakahinga.

Nahiya umano ang ina na ilantad ang kanyang dibdib sa mga kasamang nagsiksikan ding pumipila para sa conditional cash transfer ni PNoy na kinopya sa dating administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo upang mag-withdraw sa Barangay San Centro.

Sinasabing dahil din sa insidente, sumugod ang galit na asawa ng babae at dito ito pinagsasakal na halos ikamatay nito kung hindi kaagad naawat ng ilang mga nakasaksi. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply